GULO SA PRIDE MARCH ! DINAMPUT MGA RALLYISTA DAHIL SA PAGLABAG SA SOCIAL DISTANCING !

Pride March, nauwi sa hulihan dahil sa paglabag umano sa social distancing.

Nagkatensyon at nauwi sa hulihan ang protesta ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa taunang Pride March na ginanap sa Mendiola, Maynila. Dinampot ng mga pulis ang 20 indibidwal. Kabilang sa kanila ang isang intern ng independent news organization na nagko-cover lang ng protesta.

Ayon sa mga awtoridad, nilabag umano ng mga inaresto ang panuntunan sa social distancing. Pero umalma ang mga nagprotesta. Anila, wala raw silang nilabag.